Last day of community pantry in Old Balara, Quezon City. Read more on our FB Post below:
COMMUNITY PANTRY SA FERIA (LAST DAY)!
Huling araw na ng #CommunityPantry dito sa Feria Road, Pook de la Paz, sa Quezon City na itinayo nitong lunes. Ang mga larawang ito ay kuha kahapon na huling araw na ng community pantry na tumagal ng tatlong araw. Makikita na may special na pila para sa mga matatanda, may kapansanan upang mas mapabilis ang kanilang pag-pila. Kahit pang huling araw na, ay organisado pa din at maayos ang pila salamat sa tulong ng mga empleyado pati na rin ang pakikipagkoordinasyon ng barangay upang hindi malabag ang mga minimum health requirements at mapanaitli ang kaayusan. Kahit pansamantalang natapos ang pagtulong sa pamamagitan ng community pantry, hindi dito nagtatapos ang responsibilidad ng Waterkonsult at Envirokonsult gayon na din ang AV Gedang Foundation na tuloy tuloy pa din ang pag tulong lalo na sa ating mga kababayan na nangangailangan. @envirokonsult / @avgedangfoundation -- #avgedangfoundation #heartsandhandsforothers #envirokonsult #waterkonsult #communitypantryqc #quezoncity
0 Comments
COMMUNITY PANTRY SA FERIA (DAY 2)!
Nadagdagan ang BASIC goods sa #CommunityPantry dito sa Feria Road, Pook de la Paz, sa Quezon City na itinayo nitong lunes. Ang mga larawang ito ay kuha kahapon na ikalawang araw ng ating community pantry sa Feria Quezon City, Philippines at mas makikita ang dami ng tao at haba ng pila pero sa tamang pakikipag koordinasyon natin sa baranggay sila ay tumutulong kasama na din ang mga empleyado ng Envirokonsult at Waterkonsult Equipment & Services Inc. upang mapanatiling maayos ang pamimigay at patuloy pa rin na nasusunod ang safety protocols tulad ng physical distancing, face mask/shield at pag sanitize. Bukod sa mga basic goods, nadagdagan pa ng gulay at mga tinapay ang mga ipinamimigay sa community pantry. Para din po sa kaalaman ng lahat, nagsisimula po ang pamimigay sa pa-hapon para maiwasan ang pag-pila ng ating mga kababayan sa initan. Joyce Envirokonsult Equipment and Services, Inc. / AV Gedang Foundation, Inc. -- #avgedangfoundation #heartsandhandsforothers #envirokonsult #waterkonsult #communitypantryqc #quezoncity
Unang araw ng #CommunityPantry kasama natin ang Envirokonsult Equipment and Services, Inc. at Waterkonsult Equipment & Services Inc. sa pagpapaabot ng tulong sa mga taga Pook Dela Paz, Feria Rd. Quezon City, nandoon din upang tumulong ang mga empleyado ganon na rin ang pakikipag koordinasyon natin sa mga opisyal ng local na baranggay upang maisaayos ng mabuti ang pila habang sinisiguradong napapanatili ang minimum health requirements tulad ng physical distancing at pagsusuot ng facemask / shield at ang pag sanitize.
#avgedangfoundation #envirokonsult #Waterkonsult
Watch as AV Gedang Foundation INC. in partnership with Envirokonsult Equipment & Services, Inc. together with Waterkonsult Equipment & Services Inc. invites infectious disease expert and a covid19 frontliner head consultant in a few hospitals around Manila.
We try to educate people as a public service as to what is COVID19, what is the vaccine, is it safe? and many other concerns. It was broadcasted live with many employees, relatives, and even other people shared to watch and learn. You can still too as this is now a recorded video on our facebook page which can also be watchedd here on our website. |
AuthorAV GEDANG FOUNDATION Archives
June 2022
Categories
All
|